By

Pagsagot sa Kuwait issue, ipaubaya sa DFA – Pimentel

Sharing is caring!

Pinatatahimik ni Senate President Koko Pimentel III ang lahat ng opisyal ng gobyerno ukol sa tensyon ngayon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Pimentel, makabubuting ipaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasalita at pagpapaliwanag sa isyu upang isang tinig lang ang madinig ng mga Kuwaiti.

Idiniin na kailangang agapan na mapulitika ang sensitibong isyu upang mangibabaw ang pagsusulong ng kapakanan ng mga Filipinong manggagawa.

“This is a highly-charged issue that is very tempting to politicize. Let’s put the country’s interests first and let the Department of Foreign Affairs take charge so that only one voice is heard by the Kuwaitis.”

Ipinahayag naman ni Pimentel ang kumpiyansa na makukumpuni at mababalik sa dati ang nagkalamat na relasyon ng Pilipinas at Kuwait na nagkaroon ng matagal at matatag na ugnayang pangkalakalan.

Kung naayos ang relasyon ng South Korea at North Korea, wala aniyang dahilan para hindi umabot dito ang Pilipinas at Kuwait na kailangan ang isa’t isa.

Iminungkahi ni Pimentel na magpatulong ang Duterte administration sa Saudi Arabia at Qatar para maging tagapamagitan sa Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?