36

By

Pagsadsad ng rating ni Duterte, ‘Ok’ lang sa Palasyo

Malugod na tinanggap ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kahit pa bumaba ng 10 puntos ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang quarter ng 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpapasalamat sila sa suporta ng publiko sa Pangulo sa kabila ng walang katapusang kritisismo at mga pag-atake sa mga reporma at pagbabagong ipinapatupad sa bansa.

Hindi aniya matitinag ang Pangulo, bagkus ay magpapatuloy ang mga sinimulang aksiyon para maging drug- free ang bansa at magkaroon ng matatag na ekonomiya.

“We are thus grateful for our people’s vote of confidence with significant trust in the President, amid being subject to unending criticisms and attacks. Rest assured that the President will continue to steer the ship of State until we reach a drug-free destination where the country’s macroeconomic fundamentals would be strong and resilient,” ani Roque.

Bagamat bumaba aniya ng bahagya ang trust rating ng Pangulo sa unang quarter ng 2018, sinabi ni Roque na maituturing pa rin itong “very good”.

“We welcome the latest Social Weather Stations (SWS) survey showing a +65 net trust rating for President Rodrigo Roa Duterte, which the polling firm classified as “very good” and described as similar to the “very good” +60 in September 2017,”dagdag pa ni Roque.

Napanatili naman ng Pangulong Duterte ang trust ratings sa Visayas at Mindanao na kilalang balwarte nito na naitalang “excellent” habang “very good” naman sa Luzon at Metro Manila.

Batay sa inilabas na resulta ng SWS survey sa unang quarter ng taon, nakapagtala ng +65 percent net trust rating ang Pangulo, mas mababa ng 10 puntos kumpara sa +75 percent noong December 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?