76

Jan 31, 2020 @ 14:56
By

Pagsabog ng Taal, nCov, ASF hihilahin pababa ang ekonomiya – EDC

Maaaring bumulusok ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa takot sa Wuhan novel coronavirus (2019-nCoV), pati na ang pagsabog ng Bulkang Taal at ang hindi pa nasusupil na African Swine Fever.

Nagtala ang bansa ng 5.9% na economic growth nung 2019, ang pinakamatamlay nito sa loob ng walong taon na sinisi ng Economic Development Cluster (EDC) ng administrasyong Durtete sa naantalang pagpasa ng national budget.

Banta rin umano sa paglago ng ekonomiya ang water supply disruptions at ang mabagal na implementasyon ng infrastructure projects.

Turismo ang tatamaan sa 2019-nCov dahil hindi na magbabakasyon ang mga dayuhan sa bansa at liliit ang kita ng mga airline, mga hotel at resort, at mga restawran.

Dagdag pa ng EDC, problema ang slowdown ng global economy, matamlay na pag-recover ng global trade, at ang panaka-nakang pagsipa ng presyo ng langis.

Hinihikayat ng EDC ang mga infrastructure agency na bilisan ang implementasyon ng mga priority project at bilisan ang paggastos ng pamahalaan, na siyang nagdala sa ekonomiya nung 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?