9

By

Pagsabog ng chemical plant sa China, 19 patay

Sharing is caring!

Nasa 19 ang nasawi habang dosena pa ang sugatan makaraang sumambulat ang isang planta ng kemikal sa southwest China.

Ayon sa report ng China News Service, nangyari ang pagsabog sa chemical plant sa industrial park sa Jiangan County, Sichuan Province dakong alas-6:30 ng gabi noong Huwebes.

Nilamon ng apoy ang three-story production building na pag-aari ng Yibin Hengda Science and Technology Company, kung saan sa lakas ng impact ay nabasag ang mga bintana ng kalapit na gusali sa lugar.

Ang Yibin Hengda ay gumagawa ng kemikal para sa food at pharmaceutical industries.

“I heard an enormous explosion, enormous, and felt tremors,” ani Liu Ping, official in charge sa industrial park.

Sa kasalukuyan umano ay nagsasagawa sila ng DNA testing para makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Hindi pa rin malinaw kung ano ang sanhi ng pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?