93

Dec 24, 2017 @ 17:57
By

Pagsabatas ng TRAIN, ikinatuwa ng DOH

Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang pagiging ganap na batas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nalagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na ipasa ng Kongreso

Sa ilalim ng TRAIN Law, madaragdagan ang buwis sa sigarilyo at mga sugar-sweetened beverages.

Ayon sa DOH, makatutulong ang isinusulong ng batas sa programa ng kagawaran na pagtataguyod ng malusog na lifestyle at maiiwasan ang lalo pang paglaganap ng mga non-communicable disease.

Sinusuportahan din ng bagong batas ang inisyatibo ng DOH na mapababa ang presyo ng mga gamot dahil sa ilalim ng TRAIN law, hindi na papatawan ng 12% value added tax ang mga gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension.

“With millions of Filipinos who have become overweight and obese, and with diabetes now afflicting millions more of our countrymen, we support a higher pricing policy for less healthy food and beverages as part of a multi-pronged strategy to combat non-communicable diseases,” saad ni DOH Secretary Francisco Duque.

Kaugnay nito, babantayan umano ng DOH ang presyo ng mga gamot para matiyak na naipatutupad ang VAT exemption sa mga gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?