93

Oct 21, 2020 @ 22:27
By

Pagreretiro sa ‘Pinas ng dayuhang 35-anyos pinalulusaw ni Puyat

Tatrabahuhin ng Philippine Retirement Authority (PRA) board of trustees na makansela ang kasalukuyang polisiya sa bansa na nagpapahintulot sa mga foreigner kahit 35-anyos pa lang na magretiro sa Pilipinas.

“I have directed General Manager (Bienvenido) Chy of the PRA to review and change this long-standing policy. We will move for its immediate repeal,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na siyang head ng PRA board of trustees, sa ulat ng PNA.

Sa DOT budget hearing noong Lunes, ginisa ng mga senador si Chy dahil sa pagtanggap ng mga retiree sa bansa kahit 35-anyos pa lang, na malayo sa karaniwang retirement age.

Karamihan sa tinanggap na mga retiree ay mga Chinese national.

Batay sa datos ng PRA, nasa 26,969 Chinese national ang pinayagang magretiro sa Pilipinas; sumunod ang mga Korean sa 13,912; Indians (5,951); Taiwanese (4,801); at Japanese (3,950).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?