34

Oct 16, 2021 @ 22:13
By

Pagreretiro ni Caguioa nakabitin pa sa hangin

Magreretiro na?

Ito ang malaking kuwestiyon ngayon sa karera ni long-time Barangay Ginebra franchise player Mark Caguioa.

Naging palaisipan dahil nang tanungin siya kung tuluyan na ba siyang mamamaalam sa pambansang liga ay wala pa rin itong swak na sagot.

“I’ve got to go,” simpleng sagot ni ‘Mark the Spark’ sa tanong ng Spin.ph nitong Sabado matapos dumalo sa commemoration stamp event ni ‘Big J’ Robert Jaworski.

Sa nasabing event uli nasilayan ng madla si 41-anyos Mark makaraang hindi ito umaksiyon sa 2021 PBA Philippine Cup nang mailagay sa reserved list ng Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?