65

Aug 22, 2018 @ 13:04
By

Pagrenta ng barko ni Peter Lim para tumakas, bineberipika ng DOJ

Blangko pa ang Department of Justice (DOJ) sa report hinggil sa sinasabing paglabas ng bansa ng hinihinalang big-time drug lord na si Peter Go Lim gamit ang backdoor exit.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang nakakarating sa kanyang impormasyon hinggil sa sinasabing pagrenta ng barko ni Lim sa Palawan patungo ng Malaysia.

Inihayag ni Guevarra na sakali mang totoo ang nasabing report, ipinauubaya na aniya nila sa international law enforcement agencies ang paghahanap kay Lim.

“No info on that. But in case it’s true, international law enforcement agencies will track him down,” saad ni Guevarra.

Una nang nagpalabas ang Makati RTC ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Lim kaugnay ng kanyang kasong conspiracy to commit illegal drug trade na nag-ugat sa umano’y pakikipagsabwatan niya sa grupo ni Kerwin Espinosa para magkalakal ng droga sa Region 7 at 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?