17

Sep 24, 2020 @ 15:28
By

Pagrehistro ng e-bike, e-scooter ayaw ni Tugade

Hindi raw pabor si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na iparehistro ang mga electric bike at scooter bilang mass transport, lalo pa’t kumakaharap ang bansa sa pandemya.

“Sec. Tugade was interviewed on the issue of e-scooters yesterday, and he said that personally, he is not in favor of having e-scooters registered, especially now that we are in a pandemic,” ayon sa DOTr sa isang pahayag.

“Sec. Tugade said that he will listen to the opinions/arguments of regulators and stakeholders,” dagdag pa ng ahensiya.

Nilinaw din ng DOTr na wala pang opisyal o pinal na guidelines hinggil sa paggamit ng mga electric bike at electric scooter sa mga pampublikong kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?