190
Pagputol sa diplomatic relations sa Iceland, ikinukunsidera ni Duterte
Jul 16, 2019 @ 14:08
By

Pagputol sa diplomatic relations sa Iceland, ikinukunsidera ni Duterte

Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa diplomatic relations sa bansang Iceland.

Ito ang ipinaabot ng Pangulo kay Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos silang magkausap nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Panelo na seryoso ang Pangulo na tapusin na ang ugnayan sa Iceland dahil malisyoso at one-sided ang resolusyong inihain sa United Nations Human Rights Council.

“I talked to President Duterte and he is seriously considering cutting diplomatic relations with iceland,” ani Panelo.

Ayon sa kalihim, malinaw na hindi iginalang ng Iceland ang soberanya ng Pilipinas at hindi nakikita at naiintindihan ang reyalidad sa epekto ng problema ng ilegal na droga sa bansa.

Ipinakita rin sa resolusyon ng Iceland kung paano insultuhin ng Western countries ang karapatan ng Pilipinas na protektahan ang mga Pilipino sa epekto ng ilegal na droga.

Sinabi ni Panelo na dapat lamang na kondenahin ang pakikialam na ito ng Iceland sa Pilipinas.

“The adopted Iceland resolution is grotesquely one-sided, outrageously narrow and maliciously partisan. It reeks of nauseating politics completely devoid of respect for the sovereignty of our country. It is bereft of the gruesome realities of the drug menace in the country,” dagdag pa ni Panelo.

Malinaw aniya ang layunin ng Iceland sa ginawang paghahain ng resolusyon sa UNHRC, at ito ay para ipahiya ang Pilipinas sa international community.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?