18

Oct 21, 2021 @ 13:31
By

Pagpuslit ng shabu sa piitan gamit drone, naharang

Isang high-tech na krimen ang nasaksihan sa Davao City noong Lunes malapit sa Davao City Jail kung saan isang drone ang nadiskubreng naglalaman ng tatlong pakete ng shabu na dadalhin sana sa loob ng piitan.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, isang kagawad ng Barangay Ma-a ang nakadiskubre ng nasabing drone.

Natagpuan umano sa gadget ang 25 gramo ng shabu na tinatayang P400,000 ang halaga.

Hinala ng pulisya, sa loob ng Davao City Jail dadalhin ang iligal na droga.

Kaya naman ikinasa ng Bureau of Jail Management and Penology (BMJP) ang imbestigasyon upang makilala ng nasa likod ng pagpupuslit ng shabu sa nasabing kulungan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?