12
robert-barbers
By

Pagpuslit ng P6.8-B shabu sa Pinas, sisiyasatin ng Kamara

Sharing is caring!

Iimbestigahan ng House committee on dangerous drugs ang P6.8 bilyon na halaga ng shabu na naipuslit sa bansa.

Ayon sa chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, kabilang sa ipatatawag para magbigay-linaw sa insidente ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagtuturuan ang PDEA at BOC sa paglusot ng kontrabando. Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, maaaring napigilan nila ang naturang shipment kung nabigyan agad sila ng impormasyon ng PDEA. Sabi naman ni PDEA director general Aaron Aquino, “raw information” ang hawak nila kaya kinailangan pang i-validate muna.

Sa kabila nito’y pinuri naman ni Barbers sina Lapeña at Aquino sa matagumpay na joint operation kung saan nasamsam ang may 500 kilo ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).

“This latest shabu haul is a big accomplishment on the part of the government’s supply reduction campaign against illegal drugs that
continue to proliferate despite the intensified anti-drug operations being implemented under President Rodrigo Duterte’s administration,” ani Barbers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?