28

By

Pagpunta ni Chinese Pres. Xi Jinping sa ‘Pinas, walang magiging aberya – Palasyo

Sharing is caring!

Tiniyak ng Malacañang na walang magiging aberya sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa susunod na buwan.

Sa harap na rin ito ng nakatakdang naval military exercise ng Amerika sa karagatang sakop ng West Philippine Sea na sasabay sa panahon nang pagdalaw ng Chinese President sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bisita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at pinag-usapan ang napipintong pagbisita sa bansa ni President Xi na inaasahang lalong magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at China.

Natalakay sa pulong ng Pangulo at ng Chinese ambassador ang nakatakdang US naval exercise at tiniyak ng Presidente na hindi makikilahok ang Pilipinas .

“China expressed concern over a military exercise that the United States will be conducting in the area at about the same time that the Chinese President will be in the Philippines. The President said that we will not take part in that military exercise,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na ang general consensus ay ayaw ng Palasyo na maabala o magkaroon ng hadlang sa gagawing pagbisita ni President Xi sa Pilipinas.

“We don’t want anything to mar the visit of President Xi. The DFA will do all that it can to make sure that President Xi’s visit will be fruitful and as productive as we would want it to be,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?