20
ASG-Basilan
By

Pagpugot ng ASG sa 2 katao, kinukumpirma pa

Sharing is caring!

Kinukumpirma pa ng pulisya at militar ang ulat na pamumugot sa dalawa katao na kagagawan umano ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa liblib na lugar sa Sumisip, Basilan.

Ayon kay Senior Superintendent Nickson Muksan, hepe ng Basilan police, sa kasalukuyan ay ‘sketchy’ pa lamang ang impormasyong umano’y pagpugot sa dalawang biktima at patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Kasabay nito, sinabi ni Muksan na wala pa silang hawak na pagkakakilanlan sa mga biktima na sinasabing pinugutan sa Sitio Bakahan sa Brgy. Mahatalang.

“We were informed of the incident but we don’t have the identities of the victims. A top military official in Basilan informed us that the male victim is a relative of the Abu Sayyaf,” pahayag ni Muksan.

Sinasabing isa umanong mataas na opisyal ng militar sa Basilan ang nagsabi na ang isang lalaking biktima ay kamag-anak ng ASG.

Ang Mahatalang sa Sumisip ay kilalang pinagkukutaan ng mga ASG at pinagtataguan ni sub leader Radzmil Janatul, na tinutumbok ngayon ng militar sa kanilang operasyon.

Matatandaan noong huling buwan ng nakaraang taon ay naglunsad ng operasyon ang militar sa lugar matapos silaban ng mga bandido ang dalawang gusali ng paaralan noong Disyembre 20 at 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?