97

Mar 6, 2018 @ 15:08
By

Pagproseso ng pasaporte, nag-improve na – Cayetano

Dumoble na ngayon ang bilang ng napoprosesong pasaporte ng Department of Foreign Affairs(DFA).

Sa joint hearing ng House committees on good government and public accountability at foreign affairs sa isyu ng mabagal na pagproseso ng pasaporte, sinabi ni DFA Secretary na mula sa 8,700 capacity kada buwan noong 2017, tumaas na ito ngayon sa 16,512.

Ayon kay Cayetano, target ng ahensiya na maitaas pa ito sa 30,000 kada buwan.

Sa tulong anya ito ng karagdagang “passport on wheels” na ibibigay ng APO Production Unit Inc.

“APO will give us another 6 passport on wheels. We will have 10 with a capacity of 5,000 a month,” ani Cayetano.

Binanggit rin ng kalihim ang plano ng DFA na magbukas ng walo pang consular offices para tuluyan nang maresolba ang delays at makapag-accomodate ng mas marami pang passport applications.

Target buksan ang walo sa San Nicolas, Ilocos Norte; Santiago, Isabela; Malolos, Bulacan; Calamba o San Pablo, Laguna; Dasmariñas City, Cavite; Antipolo, Rizal; Oroquieta, Misamis Occidental; at Tagum City, Davao del Norte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?