By

Pagpayat ni Winwyn, pinag-alala ng mga fans

Sharing is caring!

Napupuna na ang sobrang kapayatan ng Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez.

Hindi nakaligtas sa ilan sa kanyang followers ang pangangayayat ng kauna-unahang Reina Hispanoamericana ng Pinas at ng buong Asya matapos itong mag-post ng isa sa kanyang outfit of the day kamakailan lang sa Instagram account nito.

Nakasuot ng raffled sabrina cut polkadot blouse si Wyn sa kanyang photo sa IG. Tinernuhan niya ang damit ng puting pantalon.

Nakapameywang si Wyn sa grey-sephia color photo niya sa IG wall dahilan para mas lalong lumitaw ang kanyang slim figure.

Kahit may muscle ang braso ng Kapuso beauty queen, hindi pa rin maitatagong parang sumobra ang kapayatan nito.

@anrym27, “Yes, gain some weight po sana konti lang.”
#reinahispanoamericana2017 @wynmarquez… “Medyo payat na po kayo.”
@chiebenitez, “What happened, you lost weight! Pls, take care of yourself.”

Hindi naman napigilan ni Winwyn ang sagutin ang comment ng isa niyang follower.
@teresitassen, @chiebenitez “Don’t worry I’m taking (care) of myself dear. You can see nagbabawi ako ng food and I work out also.”

Payat na nga noong lumaban si Wyn sa Bolivia pero base sa kanyang latest photo na pinost niya sa Instagram ay mas pumayat pa ang aktres mula nang dumating siya dito sa Pinas.

Kulang na lang ay sabihin ng followers niya na mukha na itong ‘tuyot’ sa porma ng katawan nito.

Maliban sa figure ni Wyn, wala nang basher pa ang actress-turned-beauty queen kumpara noong bago pa lang siya lumipad patungong Bolivia para sa pageant.

Hanggang ngayon ay binabati pa rin at pinupuri pa rin siya ng kanyang followers sa pagwawagi niya sa RH2017. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?