140

Nov 9, 2017 @ 12:20
By

Pagpatay sa vendor, nakita sa CCTV

Hinabol at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang mga suspek ang isang vendor sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division ang biktima na si Abdul Parta, 20-anyos, ng No. 15 St., Port Area, Sta. Cruz, Manila.

Nakita pa sa CCTV footage ang habulan sa biktima sa bahagi ng Del Pan-Zaragoza Street bandang alas-10:00 ng gabi.

Sinabi ng kaanak ng biktima na may mga kakilala ito sa lugar kaya dumadayo pero wala silang alam na posibleng motibo at nasa likod ng pagpatay. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?