60

Dec 3, 2017 @ 15:44
By

Pagpatay sa university president sa CDO, kinondena ng 2 senador

Mariing kinondena ng mga senador ang pagpaslang sa presidente ng University of Science and Technology of Southern Philippines na si Dr. Ricardo Roturas.

Kasabay nito ang pagkalampag nila sa mga otoridad para resolbahin ang krimen.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, nakababahala ang pagpaslang sa isang tapat na serbisyo-publiko at dapat itong agad na resolbahin.

“I am alarmed and outraged by this latest attack on our law abiding and dedicated public servants,” pahayag ni Pimentel na tubong-Cagayan de Oro.

“I urge the police to work double time to arrest the killers and unmask the mastermind. The police must do its job to protect and secure the people against rogue elements of society,”pahayag pa ng pangulo ng Senado.

Sinegundahan ni Sen. Chiz Escudero ang pagkundena sa sinapit ni Roturas na aniya ay hindi katanggap-tanggap at nakakagalit.

Sinabayan din ito ng pananawagan sa Philippine National Police na magdoble-kilos upang maiharap sa hustisya ang mga pumatay dito.

Nakiisa rin sa pakikidalamhati at pagkundena sa sinapit ng university president si Sen. Kiko Pangilinan.

Si Roturas ay presidente rin ng Philippine Associstion of State Universities and Colleges.

Pinagbabaril ito ng dalawang lalaki sa tapat ng kaniyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Cagayan de Oro City. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?