6
roque
By

Pagpatay sa prosecutors, tinututukan ng administrasyon – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi inuupuan ng gobyerno ang kaso ng mga pagpatay sa mga miyembro ng hudikatura.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng panibagong insidente ng pagpatay sa isang hukom sa Camarines Sur noong Martes.

Sinabi ni Roque na tinututukan na ng mga awtoridad ang paglutas sa mga kaso para mabigyan ng katarungan ang mga biktima.

“Itong pagpatay ng mga prosecutor eh tinututukan din natin ‘yan. In other words, ang katungkulan pag may patayan ay imbestigahan at bigyan ng katarungan ang mga biktima at ‘yan po ay puspusang ginagawa ng ating administrasyon,” ani Roque.

Sa kaso naman ng mga napatay na journalist, sinabi ni Roque na mayroong task force na nangangasiwa sa imbestigasyon at paglilitis sa mga pumapatay sa mga miyembro ng media sa pamamagitan ni Undersecretary Joel Egco.

Nauna rito, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na aasahang magkakaroon ng radikal na pagbabago sa mga susunod na araw dahil sa mga nangyayaring krimen kung saan bukod sa ilang miyembro ng media, prosecutors at hukom ay kasama rin ang mga pari sa pinapatay ng mga hindi nakikilalang mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?