65

By

Pagpatay sa pari, media man kinondena ng Palasyo

Sharing is caring!

Apat na araw matapos mapatay si Father Mark Ventura sa Gattaran ,Cagayan, ay saka pa lamang nagpalabas ng pahayag ang Malacañang na kumukondena sa krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na siya ring Presidential Adviser on Human Rights, mahigpit na kinukundena ng gobyerno ang insidente, pati na ang pagpatay sa isang mediaman na si Edmund Sestoso sa Dumaguete City.

Tinitiyak aniya ni Roque na gumagawa na ng malalim na imbestigasyon ang mga otoridad sa pagpatay kay Father Ventura at Sestoso para mapanagot ang mga salarin.

“Kinokondena po natin ang lahat ng patayan na yan. Sinisiguro ko na ang gobyerno ay gumagawa ng hakbang para tuparin ang responsibilidad. Iimbestigahan po natin yan, at lilitisin at paparusahan natin yan,” ani Roque.

Sa kaso aniya ng pinatay na mediaman, sinabi ni Roque na kumikilos na ang Task Force on Media Security at ito ay bibigyang prayoridad ng pamahalaan.

“Ang paninindigan po talaga natin magkakaroon ng puspusang paglilitis at paparusahan ang pumapatay sa lahat lalo na sa media at mga taong nananampalataya,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?