54
guilty-justice
Jun 5, 2018 @ 18:42
By

Pagpatay sa Ombudsman prosecutor, ‘di simpleng robbery lang – human rights group

HINILING ng grupong Hustisya sa PNP na magsagawa pa ng mas malalim na pag-iimbestiga sa pagkakapatay kay Ombudsman Special Prosecutor Madonna Tanyag.

Hindi kumbinsido ang naturang human rights group, maging ang mga kasamahan ni Tanyag na simpleng robbery – hold up lang ang pinag-ugatan nang pagkakapatay sa kanya.

Sinabi nila na kilala nila si Tanyag na aktibista at palihim din itong tumutulong sa mga anak ng mga political activists at naulila ng mga biktima ng extra judicial killings.

Nabatid din na kabilang sa mga hinawakan na kaso ng biktma ay ang kasong katiwalian laban kay dating Vice President Jejomar Binay, ang iskandalo sa Malampaya fund at ang kaso ni dating Rep. Bobby Syjuco.

Naunang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na holdap lang ang pakay sa biktima ng nahuling 31-anyos na suspek na si Angelito Avenido Jr.

Nabatid na ang umaming suspek ay gumagamit ng droga at kilalang basagulero sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?