308
risa-hontiveros
By

Pagpatay sa mga pari udyok ni Duterte – Hontiveros

Sharing is caring!

Isinisi ni Senadora Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sunod-sunod na pagpatay sa mga paring Katoliko.

Ayon sa senadora, dahil sa verbal attacks ng Pangulo sa Simbahang Katoliko, nahihikayat ang karahasan sa mga pari.

Inuupakan aniya ng Pangulo ang Simbahan dahil pinupuna ang mga polisiya ng administrasyon partikular ang madugong war on drugs.

Giit ni Hontiveros sa Pangulo, tigilan ang mga banat dahil anumang lumalabas sa bibig nito ay polisiya at may impluwensiya.

Tigilan din aniya ang verbal attacks upang hindi na makahikayat ng pagpatay sa iba pang mga pari liban kung ito ang polisiya ng administrasyon.

“Are Catholic priests being ‘tokhanged’? I fear that the President’s verbal attacks as well as the dismissive attitude towards the killings may inspire more priest – murders and other acts of violence on members of religious communities,” pahayag ni Hontiveros.

Kaugnay nito, inihain ni Hontiveros ang panukalang Senate Resolution No. 764 kung saan pinaiimbestigahan sa Senado, in aid of legislation ang pagpatay at tangkang pagpatay sa mga paring Katoliko.

Puntirya ritong determinahin kung pattern ang pagpatay sa mga pari at kung sapat ang ginagawa ng mga awtoridad para ito masawata at maresolba.

Tinukoy sa resolusyon ang pagpatay kina Fr. Marcelito Paez nu’ng Disyembre, Fr. Mark Ventura nu’ng Abril at Fr. Richmond Nilo at ang tangkang pagpatay noong Hunyo 6 kay Fr. Rey Urmeneta sa Calamba, Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?