By

Pagpatay sa mga pari, hindi isolated cases – Atienza

Sharing is caring!

Pinababawi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pahayag nito na isolated cases ang mga insidente nang pagpatay sa mga pari.

Ipinaalala ni Atienza kay Albayalde na pangatlo na si Fr. Richmond Nilo sa mga paring pinatay kaya hindi na masasabing isolated ito.

“Isolated? Tatlong pari, pinatay. Isolated? General, bawiin mo ang sinabi mong yan,” ani Atienza.

Ayon sa kongresista, ang mga pag-atakeng ito ay malinaw na kawalan ng respeto sa sektor ng relihiyon.

May nangyayari anyang pattern kung saan sadyang tina-target ang mga pari.

Sabi ni Atienza, dapat seryosong tingnan ni Albayalde ang mga insidenteng ito, at gawin ang lahat para mahuli at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen dahil kung hindi ay mawawalan ng bisa ang kanyang liderato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?