68

Dec 5, 2020 @ 19:47
By

Pagpatay sa Los Baños mayor, panibagong kaso ng EJK – De Lima

Naniniwala si Senadora Leila de Lima na isa na namang kaso ng extrajudicial killing o EJK ang pagpaslang kay Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez.

“After the successive killings of lawyers, here’s another EJK of an incumbent LGU official, Los Baños Mayor Caesar Perez, reportedly included in the so-called narcolist. Another cold-blooded assassination night at the Municipal Hall premises,” tweet ni De Lima nitong Sabado.

“Another brazen assault on the human right against arbitrary deprivation of life and the constitutional human right to due process of law. We cannot be numbed or desensitized by this continuing cycle of violence and impunity. We cannot remain silent. Silence or apathy promotes this madness,” dagdag niya.

Si Perez ay napabilang noon sa listahan ng mga lokal na politiko na sinasabing may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga, na isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?