Antonio-Carpio
By

Pagpatay sa hukom sa CamSur, kinondena ng SC

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang pamamaslang kay Presiding Judge Ricky Begino ng Metropolitan Circuit Trial Court ng San Jose-Lagonoy, Camarines Sur.

Si Begino ay pinagbabaril ng gunman na nakilalang si Wilfredo Armea sa harap ng kanyang tahanan kahapon sa Presentacion, Camarines Sur.

Nanawagan si Carpio sa mga awtoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing krimen.

Nagpaabot din si Carpio ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng huwes.

“Senior Associate Justice and Acting Chief Justice Antonio Carpio condemns in the strongest terms the killing of the Honorable Presiding Judge Ricky Begino of the Metropolitan Circuit Trial Court of San Jose-Lagonoy, Camarines Sur yesterday, June 12, 2018. He extendes his condolences to Judge Begino’s bereaved family and calls on the authorities concerned to take all necessary steps with all deliberate speed to do justice for Judge Begino by fully investigating his killing,” saad sa statement na pirmado ni Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?