68

By

Pagpatay sa bise alkalde ng Trece Martires, ikinaso kay Mayor Sagun

Sharing is caring!

Ipinagharap ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ng pulisya si Trece Martires Mayor Melandres Des Sagun at anim na iba pa kaugnay ng nangyaring pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan noong Hulyo.

Bukod kay Des Sagun, kasama rin sa mga kinasuhan sina Maragondon Cavite Councilor Lawrence Arca, Luis Vazquez Abad Jr, Ariel Fletchetro Paiton at Romel Bersamina.

Inihain ng CALABARZON Police, sa pangunguna ni Regional Director Edward Carranza at Cavite Police Chief William Segun ang reklamo.

Dumating din sa DOJ ang misis ng napaslang na bise alkalde na si Gemma Lubigan, at ang ilang testigo sa krimen.

Matatandaan na tinambangan ng mga armadong lalaki ang bise alkalde habang pauwi sakay ng kanyang pick-up sa labas ng Korean-Philippines Hospital noong July 7.

Kasama sa mga namatay ang kanyang driver, habang sugatan naman ang isa pa na sakay din ng kanyang pick-up.

Nauna nang tinukoy ng mga kaanak ni Lubigan na may plano itong kumandidato sa pagka-alkalde ng Trece Martires sa May 2019 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?