8

By

Pagpatay sa abogado ng Sagay massacre iimbestigahan ng CHR

Sharing is caring!

Agad nagpadala ng kanilang Quick Response Team ang Commission on Human Rights (CHR) sa Negros Occidental para imbestigahan ang pagpatay kay human rights lawyer Benjamin Ramos.

Kasabay nito ang panawagan ng CHR sa gobyerno na masusing imbestigahan ang kaso para mabigyan ng hustisya si Ramos.

Sinabi rin ni Atty. Jacqueline de Guia, spokesperson ng CHR, na dapat bigyang-proteksyon ang mga abogado na nagtatanggol sa mga marginalized sector sa lipunan.

Ang 52-anyos na abogado, na kabilang sa nagtatag ng National Union of People’s Lawyer (NUPL), ay pinagbabaril ng riding-in-tandem kagabi.

Nabatid na nagpapahinga ito matapos pag-aralan ang mga hawak na kaso nang pagbabarilin.

Binanggit pa nito na kabilang si Ramos sa nasa poster ng mga diumano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Paliwanag ni De Guia, walang kinalaman ang grupo na kinabibilangan ni Ramos dahil ang isyu ay ang pakikipaglaban niya para sa mga karapatan ng mga ordinaryong mamamayan.

Kabilang ang napatay na abogado sa mga tumutulong sa mga naulila ng mga magsasakang napatay sa ‘Sagay Massacre’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?