60

Jul 1, 2020 @ 15:24
By

Pagpatay sa 4 sundalo tatalupan ng Senado

Pinaiimbestigahan ni Senador Francis Pangilinan sa Senado ang pagpatay sa apat na sundalo ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Jolo, Sulu.

“Nakakabahala ang balitang ito. Ngayon pa lang na hindi pa batas ang anti-terror bill, may nangyayari nang ganito. Ano na lang ang laban ng ordinaryong tao?” sabi ni Pangiilinan.

“An independent and impartial investigation will help bring out the truth so that the victims and their families find justice,” dagdag nito.

Batay sa inisyal na ulat, sinabi ni Pangilinan na may dalawang bersyon ng insidente.

Sabi sa report ng militar, ang mga napatay na Army intelligence, kabilang ang isang major at captain, ay nagsasagawa ng operasyon laban sa isang dayuhang suicide bomber na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group, nang pigilan sila ng mga pulis sa isang checkpoint sa Jolo.

Bagama’t nagpakilala ng kani-kanilang sarili, pinaputukan pa rin sila ng mga pulis hanggang sa mapatay.

Sa bersyon naman ng pulis, nagpapatrulya ang mga Jolo policeman sa Barangay Bus-Bus nang mamaataan ang isang SUV na may sakay na apat na armadong kalalakihan at tumakas.

Bago pa bumunot ng baril ang mga sundalo, pinababaril na ito ng mga pulis na ayon sa kanila’y pagdepensa lang sa kanilang sarili.

“This incident is disturbing because it appears that the police are quick in pulling the trigger without careful judgment,” sabi ni Pangilinan.

“If they can do this to their fellow uniformed men, how much more to the ordinary civilians who are unarmed and defenseless?” dagdag pa nito.

Sa gitna ng engkuwentro, nanawagan ang senador sa military at police ground commander na paalalahanan ang kanilang mga tauhan na panatilihin pa rin ang kapayapaan at iwasang lumala ang tensiyon ng military at pulis.

“We should be going after the common enemy — terrorists, drug lords, armed groups, and in this time of the pandemic, COVID — not against each other,” ayon kay Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?