42

By

Pagpatay sa 3 pari, hindi coincidence – Hontiveros

Sharing is caring!

Umalma si Senadora Risa Hontiveros sa pagtutol ni Senate President Vicente Sotto III sa hinihingi niyang imbestigasyon ng Senado ukol sa pagpatay sa tatlong paring Katoliko.

Ayon kay Hontiveros, hindi sila dapat magsawalang-kibo dahil maituturing nang “pattern” ang pagpatay sa mga pari at maari itong magdulot ng takot sa paggamit ng karapatan sa relihiyon.

Una rito, sinabi ni Sotto na dapat ipaubaya na lang sa Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa pagpatay sa mga pari dahil maaring makagulo at makaabala lang ang senado sa imbestigasyon

Sinabi rin ni Sotto na masyadong maaga para sabihing may “pattern” dahil 100 milyon ang mga Filipino at maaring “coincidence” o nagkataon lang ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay sa tatlong pari.

“With all due respect to the Senate President, but I think the killings are continuing and too similar to be dismissed as mere coincidence. There is clearly a pattern,” ani Hontiveros.

“First, the killings come on the heels of President Duterte’s continued verbal attacks on the Catholic Church. Second, the three killed priests were vocal critics of state abuses. Third, they were killed in just the span of six months, with the two murdered while conducting religious services,” dagdag ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?