78

Oct 17, 2017 @ 17:33

Pagpatay sa 2 lider ng terorista, hindi immoral – CBCP

Nilinaw ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission (CBCP-ECM) chairman at Sorsogon Bishop Arturo Bastes na ang pagkakapaslang ng mga sundalo sa dalawang lider ng mga terorista ay isang moral na teolohiya.

Anang Obispo, sa kabila na ang Simbahan ay tutol sa pagkitil ng buhay, itinuturing na katanggap-tanggap ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkakapaslang sa dalawang terorista dahil isang paraan ito ng pagtatanggol sa sarili na pinapayagan sa moral na teolohiya.

Bunga ng pagpapalaganap ng takot at karahasan na maging ang mga inosenteng sibilyan ay nadamay na sa karahasan, moral pa rin na maituturing ang naging desisyon ng sundalo ng gobyerno sa dalawang terorista na may layuning kumitil ng mas maraming buhay, ayon pa sa Obispo.

“Since these terrorists are promoting terror by even killing people, the killing of these terrorists although not really the ideal one is a right of self-defense. It is a moral thing. It is not also immoral for the government troops to kill people whose mission is to kill others. Because according to moral theology, you are allowed to kill others if they are killing you,” paliwanag pa ng Obispo.

Aniya, isa itong lehitimong depensa batay na rin sa Catechism of the Catholic Church 2263: “The legitimate defense of persons and societies is not an exception to the prohibition against the murder of the innocent that constitutes intentional killing.

“The act of self-defense can have a double effect: the preservation of one’s own life; and the killing of the aggressor… The one is intended, the other is not.”

Matatandaan nitong Oktubre 16, 2017, kinumpirma ng Department of National Defense ang pagkakapaslang kina Isnilon Hapilon at Omar Maute na namuno sa terorismo sa Marawi City. (Yesh Navarro)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?