111
harry-roque
Nov 28, 2017 @ 14:50
By

Pagpatay ng pulis sa 3 drug suspects sa Maynila, pinasisiyasat ng Palasyo

Pinaiimbestigahan na ng Malacañang sa Philippine National Police ang closed circuit television (cctv) footage kung saan nakunan ang mga pulis na binaril ng malapitan ang tatlong drug suspects subalit pinalitaw sa police blotter na nanlaban ang mga ito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa proseso na rin sila sa pagtukoy kung authentic ang video footage .

Tinitiyak ng kalihim na hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ganitong uri ng pang-aabuso ng ipang tauhan ng Philippine National Police.

“The Palace position is we do not tolerate police violence, brutality or killing and of course, the latest pronouncement in this regard is still the Arnaiz case as well as the Kian case that the President will not tolerate murders being committed by the PNP but we are looking into this because this is very new,” ang pahayag ni Roque.

Sa CCTV footage ay kitang kita umano ang pagbaril ng mga pulis sa drug suspects na hindi naman lumaban.

May kuhang video footage din na tila ginagalaw ng mga pulis ang mga CCTV pero hindi napansin na maraming nakakabit na cctv sa lugar.

Sinabi pa ni Roque na hindi pa niya nakita ang video footage kayat papanoorin niya ito at ia-assess sa kanyang kapasidad bilang Presidential Adviser on Human Rights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?