20

Nov 26, 2021 @ 17:35
By

Pagpasok sa military ng BTS iniliban

Pare-parehong nag-apply ang pitong member ng K-pop superstars BTS para i-postpone ang kanilang military service hanggang edad 30.

Ayon sa Korean media, noong Nov. 26 nag-apply sina Jin, RM, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook ng pagpapaliban sa kanilang military service.

Tinawag ang basehan nila na “BTS Military Service Act”, na naging epektibo sa South Korea noong June 23, 2021.

Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang mga kilalang pop culture artist tulad ng BTS na ipagpaliban ang kanilang military service hanggang sa umabot sila sa edad na 30.

Sa ngayon, ang BTS lamang ang kuwalipikadong mag-apply para sa pagpapaliban ng kanilang military service.

Sapilitan ang military service sa South Korea para sa kalalakihang edad 18 hanggang 28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: