By

Pagpasok sa drug rehab ng gobyerno, gawing simple – Sotto

Sharing is caring!

Pinaaamiyendahan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang Comprehensive Dangerous Drugs Law o ang Republic Act 9164 para maging mas madali ang pagpasok ng mga drug addict o drug dependent sa rehabilitation facilities ng gobyerno.

Ayon kay Sotto, sa batas ngayon, kailangan pang kumuha ng utos mula sa korte bago maipasok sa government-run rehabilitation facilities ang drug dependent.

May ilang nagbibilang ng buwan at taon bago makakuha ng court order samantalang anim na buwan lamang ang kailangan sa rehabilitasyon.

Kaugnay nito, inihain ni Sotto ang Senate Bill number 1628 kung saan layong ibasura ang requirement na court order.

Magsusumite na lang ang drug dependent o kaniyang kinatawan ng aplikasyon sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang DDB ang magrerekomenda na suriin ang drug dependent ng dalawang doktor na accredited ng Department of Health at sila na ang magrerekomenda ng ipapasok sa rehabilitasyon.

Ayon kay Sotto, ngayong maigting ang kampanya laban sa ilegal na droga at libo-libo ang boluntaryong sumusuko, kailagang pagaanin ang proseso para sa kanilang rehabilitasyon upang mapabilis din ang kanilang reintegrasyon sa lipunan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?