7

By

Pagpasok ng pekeng sigarilyo sa PH, pinasisilip sa Customs

Sharing is caring!

Duda si Finance Secretary Carlos Dominguez III na may kasabwat na mga tao sa gobyerno ang sindikato na gumagawa ng mga pekeng sigarilyo sa bansa.

Ayon kay Dominguez, partikular siyang interesado na malaman kung paano naipuslit sa bansa ang mga makinarya sa paggawa ng mga sigarilyo.

Aniya, inatasan na niya ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na tugisin ang mga responsable sa paggawa at pagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo.

Pinulong ni Dominguz sina Customs Comm. Isidro Lapeña at Internal Revenue Comm. Caesar Dulay ukol sa pagkakadiskubre ng mga pekeng sigarilyo sa mga bodega sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod sa mga pekeng sigarilyo at makinarya, higit kalahating bilyong pisong halaga ng tax stamps ang nadiskubre sa tatlong bodega sa Bulacan.

Ipinag-utos na ni Dominguez ang pagwasak sa mga nakumpiska para hindi na mapakinabangan.

Nagsanib-puwersa ang dalawang kawanihan para tugisin ang mga gumagawa at nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?