77

Apr 21, 2020 @ 15:57
By

Pagpasok ng mga pulis sa condo, utos ni Cayetano

Inamin ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na siya ang nag-utos sa mga pulis na itsek ang mga condominium sa lungsod dahil sa diumano’y paglabag sa mga quarantine protocol.

“Yes [I ordered the authorities], ang katotohanan for the last two weeks, ang lungsod ng Taguig ay talagang parte ng sistema namin na tsine-check namin lahat ng condominiums. It isn’t something new,” ani Cayetano sa panayam sa CNN Philippines.

“The first time na umikot kami sa mga condominium ay March 28,” dagdag niya.

Magugunitang ilang residente ng Pacific Plaza Towers (PPT) sa Bonifacio Global City ang nireklamo ang mga pulis dahil sa umano’y pag-trespassing at pangha-harass sa ilang dayuhang tenant sa mga condominium.

Agad namang dumepensa si Joint Task Force COVID-19 Shield chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar at sinabing nakatanggap sila ng mga ulat na pinapayagan sa PPT ang pagkukumpulan ng mga tao sa common pool, na paglabag sa physical distancing.

Sa ngayon, ani Cayetano, ay iniimbestigahan na aniya nila ang isyu.

“We are investigating whether they barged in. We will find out, we will file charges if they did. If they waved a gun, we will file charges,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?