10

Dec 30, 2020 @ 20:35
By

Pagpasok ng ‘di awtorisadong bakuna sisiyasatin ng NBI

Inutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na agad imbestigahan ang napaulat na unauthorized distribution at pagbabakuna ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine.

Ayon kay Guevarra, tututukan sa imbestigasyon ang posibleng mga paglabag sa Food and Drug Administration Act, consumers act at medical practice act.

“If the NBI finds sufficient factual basis to file a complaint, the Department of Justice will conduct the appropriate preliminary investigation and file a case in court, if probable cause has been established,” aniya.

Magugunitang noong Sabado nilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang miyembro ng Presidential Security Group at militar ang naturukan na ng COVID-19 vaccine ng Chinese firm Sinopharm kahit wala pang inaprubahang bakuna ang FDA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?