57

Mar 6, 2020 @ 14:41
By

Pagpasok ng Chinese Army hamon sa intel ng ‘Pinas – Lacson

Malaking pagsubok at hamon umano sa intelligence community ang pagpasok sa Pilpinas ng mga miyembro ng People’s Liberation Army (PLA), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ito ng senador matapos niyang ibunyag kamakailan ang presensiya ng 3,000 miyembro ng PLA sa bansa dahil sa isang “immersion mission.”

“It is a test all right, not of the intelligence of the Filipino people but a test and a challenge as well to our intelligence community to verify what I said, a yet-to-be validated information provided by a reliable source who had given me some accurate intelligence reports in the past,” sabi ni Lacson sa isang statement.

“In intelligence parlance, this information may be classified ‘A6’. Considering the implications, it is one piece of information still worth looking into,” dagdag nito.

Ang pahayag ni Lacson ay tugon sa tweet ng Chinese Embassy sa Pilipinas na kinukuwestiyon ang rebelasyon ng senador. “Is the Senator testing the intelligence of the Philippine people?” sabi ng Embahada.

Gayunpaman, sinabi ni Lacson na kailangang beripikahin ito ng pamunuang Duterte.

“This is without prejudice to the Philippine government’s ongoing efforts to verify such information,” ani Lacson.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na kanila nang inaalam kung totoo ang naturang impormasyon.

Noong nagdaang linggo, nabawi ng mga awtoridad ang PLA ID mula sa dalawang Chinese national na suspek sa pagbaril at pagpatay sa kapwa nila Chinese sa loob ng isang restaurant sa Makati City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?