83

Dec 25, 2017 @ 16:25
By

Pagpasok ng China sa telco, huwag pangambahan – Gatchalian

Kinontra ni Senador Sherwin Gatchalian ang babala na banta sa pambansang seguridad ang pagpapapasok sa China bilang third player sa lokal na telecommunications industry (telco).

Aniya, hindi basta mapapasok ng China o kumpanya mula roon ang mga lokal na komunikasyon dahil hindi naman sila 100% makakapasok sa industriya.

“The entry of China Telecom as the possible third player in the local telecommunications industry has been said by some to pose a serious national security threat. This fear is unfounded for several reasons,” ani Gatchalian.

Tulad ng ibang kumpanyang dayuhan, kailangan pa rin nilang makipagsosyo sa Pilipinong kumpanya kahit inimbitahan sila ni Pangulong Dutete na pumasok sa telco.

Tinukoy ni Gatchalian ang tadhana ng Konstitusyon na hanggang 40% lang ng negosyo ang puwedeng maging pag-aari ng dayuhan at kailangang 60% ay Filipino-owned.

“First of all, the new foreign player in the telco industry will have to comply with the 60% Filipino ownership requirement provided by the Constitution. This fact alone negates the security fears since the equity of the third telco player will be majority-owned by Filipinos,” paliwanag ng senador.

Idiniin na mayroon ding mga mekanismo para mabantayan ng National Telecommunications Commission (NTC) at kahit ng Kongreso ang mga papasok sa telco.

Ayon kay Gatchalian, kailangan nang magpapasok ng bagong player sa telco para hindi lamang ang Smart at Globe ang may kontrol sa halaga ng bayad sa serbisyo sa telco.

“We have to keep our eyes on the prize: breaking the current telco duopoly. We need a more vibrant playing field so our consumers will have the freedom to choose good service and lower rates. The entry of more players will exactly achieve this goal,” diin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?