241

Dec 20, 2017 @ 18:56
By

Pagpasok ng China sa telco, banta sa seguridad ng bansa – Lacson

Tinuligsa ni Senador Panfilo Lacson ang plano ng Malakanyang na papasukin ang China sa lokal na telecommunications industry.

Parang ipinamigay na sa China ang buong-buong pagkakataon na malaman ang lahat ng komunikasyon ng gobyerno.

“Simply put, it is hacking made easy, if not given to China on a silver platter,” ayon kay Lacson.

Banta aniya ito sa seguridad dahil dumadaan sa internet ang mga komunikasyon.

Hindi naman aniya maiiwasan na idaan sa internet ang mga confidential communication dahil age of computer technology na ngayon.

“If highly confidential communications involving the security of our country pass through the internet which is inevitable in this day and age of computer technology, then it becomes a no brainer security risk,” babala ng senador.

Hindi aniya sapat ang mga garantiya na maglalagay ng safeguards at mga firewal dahil dapat laging i-presume na laging vulnerable o laging mapapasok ang internet.

“My point is, it may be wishful thinking to punt in place impregnable layers of firewalls and safeguards because computer is always presumed to be vulnerable,” pahayag pa rin ni Lacson.

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na mamuhunan sa local telecom industry para magkaroon ng kakumpetensya ang Globe at Smart sa presyo at serbisyo lalo ngayong idinadaing ang mahinang signal ng cellphone sa maraming lugar at mabagal ang internet.

Ayon kay lacson, parang pinapipili tayo sa pagitan ng duopoly at nationao security kaya nagtatanong ito kung wala nang pagpiplian ang goyberno.

“China Telecom: the heck of a choice between duopoly and national security. One is doom; the other, doomier. Isn’t there a third alternative?” ani Lacson. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?