278

Dec 19, 2017 @ 16:54
By

Pagpasok ng bagong telco player, madaliin – Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na pabilisin ang pagpasok ng ikatlong Telecommunications player partikular sa unang quarter ng 2018.

Maging ang National Telecommunications Commission (NTC) ay binigyan ng direktiba ni pangulong Duterte para ilatag ang terms of reference sa bidding ng lahat ng natitirang telco frequencies.

“I have instructed the DICT and the NTC to fast-track the entry of the third telecom player to foster competition in the market. I want this implemented during the first quarter of 2018.

The NTC should start putting together the terms of reference for the bidding of all the remaining telco frequencies,” ang utos ng Pangulo.

Kasabay nito binalaan ng Presidente ang lahat ng national at regional government agencies kasama na ang mga local government units na huwag patagalin ang pag-iisyu ng permits kung ayaw ng mga ito na malagay sa alanganin.

Ayon sa Pangulo, kailangang sa loob ng pitong araw ay mailabas na ang permit na kakailanganin para sa bagong telecom player.

Maging ang mga korte ay winarningan ng Pangulo na huwag makialam at huwag aniyang tangkaing maglabas ng Temporary Restraining Order dahil ito ay para sa pambansang interes at kapakinabangan ng publiko.

“I am also instructing all national and regional government agencies and local governments to issue the required permits within seven days upon complete submission of requirements. This should also be the case for permits of incumbent telecom players. If the permits are not issued within seven days, the permits are deemed approved.

I do not want the courts to interfere and prolong this process. Do not issue any TROs or injunctions. This is a matter of national interest for the benefit of the public,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.

Hinihintay na ng maraming pilipino ang bagong telco player para magbigay ng mas maayos at mabilis na serbisyo ng internet , at para maputol na rin ang duopoly ng dalawang malaking telcos sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?