20

By

Pagpaslang sa ‘Sagay 9’ lawyer, kinondena ng EU

Sharing is caring!

Nabahala ang European Union (EU) sa pagpatay kay human rights lawyer Benjamin Ramos.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang EU sa pamilya at mga kaibigan ni Ramos at sinabi na tutukan ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso hanggang sa mabigyan na ng hustisya ang abogado.

Pinagbabaril ng riding in-tandem killer si Ramos sa plaza ng Kabankalan City noong nakaraang Martes, Nobyembre 6.

Naganap ang pagpatay kay Ramos ilang araw lang matapos nitong tanggapin ang kaso ng pagpatay ng siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Bago ito, si Ramos na ang isa sa mga abogado ng Negros Federation of Sugarcane Workers.

Duda ng awtoridad, ang NPA ang responsable sa pagpatay sa mga magsasaka at ito rin ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi ng Punong Ehekutibo ang mga pagdududa siya na may kinalaman ito sa pagpatay kay Ramos, na minarkahan bilang tagasuporta ng NPA.

Sa talaan, pang-24 abogado na si Ramos na napapatay dahil diumano sa trabaho simula nang maupo si Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?