82

Sep 19, 2021 @ 18:22
By

Pagpaslang sa dating mayoralty bet sa Abra kinondena

Kinondena ni Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos ang pagpaslang kay Dr. Amor Trina Dait, na tumakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Pilar noong 2019 elections.

Sinabi ni Bernos na nagkataon na pinaslang si Dait ngayong malapit na ang eleksyon kahit pa wala naman itong isinasapublikong intensyon na muling tumakbo sa 2022.

Ang pagpaslang umano kay Dait ay nagpapakita lamang na hindi pa tapos ang kanilang trabaho na pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa probinsya.

Si Dait ay pinagbabaril sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Pilar, Abra alas-7:30 ng gabi noong Sabado. Siya ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Abra Provincial Hospital.

Ayon kay Bernos, si Dait ay isa sa mga healthcare frontliner na tumutulong sa mga residente ng Abra sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Siya ay isang resident doctor sa La Paz District Hospital.

“Dr. Dait’s untimely death is tantamount to the denial of more immediate and more accessible health services to the people. One less medical frontliner equates to graver circumstances for us in dealing with this pandemic. We should treasure our healthcare workers and give them the respect they deserve as they protect us and our communities from COVID-19,” sabi ni Bernos.

Nanawagan si Bernos sa sinumang mayroong impormasyon sa krimen na makipagtulungan sa otoridad upang agad na maresolba ang kaso at mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Dait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?