27

By

Pagpapawalang-bisa sa ruling ng BI vs Sister Fox, ikinatuwa ng CBCP

Ikinalugod ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na nagpapawalang-bisa sa kautusan ng Bureau of Immigration (BI) na bawiin ang missionary visa ng Australyanang madre na si Sister Patricia Fox.

Sa isang statement na pirmado ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, tinukoy ng samahan ng mga obispo na ang hakbang ng DOJ ay isang matalino, mapang-unawa at maawaing pagpapasya para kay Fox na 28 taon nang nagsisilbi sa mga mahihirap sa Pilipinas.

Sinabi ni Valles na partikular na ipinapaabot ng CBCP ang kanilang pasasalamat sa mga opisyal ng DOJ na nagsabing nananatili pa ring may bisa ang missionary visa ni Fox.

“We consider this a decision that comes across as wise, very understanding and kind to the 71-year old Australian nun of the Sisters of Our Lady of Sion, who for 28 years worked in the Philippines among the poor and marginalized,” saad ng CBCP sa statament nito.

Matatandaan na dahil sa teknikalidad kaya ibinasura ng DOJ ang desisyon ng BI dahil ang isinakatuparan ng ahensya sa kaso ni Fox ay isang visa forfeiture procedure na wala namang sinasandigang batas.

Ibinabalik din ng DOJ sa BI ang kaso ni Fox na nag-utos na magsagawa ng pagdinig para sa isang visa cancellation case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?