63

By

Pagpapauwi sa labi ng bayaning OFW, sagot na ng Slovakia

Sharing is caring!

Inako na ng pamahalaan ng Slovakia ang pagpapauwi sa labi ng overseas Filipino worker (OFW) na pinatay matapos na magpakita ng kabayanihan sa nasabing bansa.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Vienna Maria Cleofe Natividad, inalok ng Slovakia ang kanilang eroplano para ihatid pauwi sa Pilipinas ang labi at mga gamit ng financial analyst na si Henry John Acorda (36).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, tinanggap ng pamilya ni Acorda ang alok at nagpasalamat sa gobyerno ng Slovakia.

Posibleng maiuwi sa bansa ang labi ng OFW sa Miyerkules, June 13, 2018.

Nabatid na binugbog si Acorda ng dalawang lalaki matapos na ipagtanggol ang dalawang babae na binabastos ng mga suspek sa kapitolya ng Bratislava.

Ikinagalit at kinondena ni Slovakian Prime Minister Peter Peligrini ang sinapit ng OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?