167

Apr 30, 2018 @ 14:50
By

Pagpapauwi ni Duterte sa OFWs sa Kuwait, Ok sa mga senador

Sinuportahan ng mga senador ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipinong manggagawa sa Kuwait na umuwi na sa bansa.

Sinabi ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor na makatwiran ang gusto ng pangulo dahil inaalipin at inaabuso ang mga Filipino sa Kuwait.

“No Filipino worker should be treated like a slave more so in a foreign land,” diin ni Vilanueva.

“The human rights abuses suffered by our people at the hands of abusive Kuwaiti employers needs to stop now,” dagdag nito.

Ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs, tama lang na nagmamatigas si Pangulong Duterte upang maigiit sa pamahalaan ng Kuwait na protektahan ang mga Filipinong manggagawa roon.

“I support the President’s decision to repatriate all OFWs currently deployed in Kuwait. The recent difficulties experienced between our countries have exposed serious threats to the safety and well-being of our OFWs in jeopardy,” pahayag ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?