36

Aug 16, 2021 @ 14:09
By

Pagpapauwi ng mga Pinoy sa Afghanistan, paspasan – Tolentino

Hinikayat ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na madaliin ang repatriation ng mga Pinoy na naiipit ngayon sa kagulohan sa Afghanistan matapos muling makubkob ng Taliban Group ang nasabing bansa.

Sabi ni Tolentino, dapat bilisan ng DFA at DOLE ang paglikas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa nasabing bansa sa gitnang Asya matapos i-takeover ng mga Taliban angpresidential palace at ang buong kapitolyo nito sa Kabul.

“As the humanitarian, political, and security crisis in Afghanistan continues to worsen, the need to immediately repatriate the remaining Filipinos in Afghanistan becomes even more urgent as each day passes,” paliwanag ni Tolentino.

Laman din ngayon ng balita ang pagtakas ni Afghan leader Ashraf Ghani papunta sa kadikit nitong bansa sa Tajikistan matapos kubkubin ng mga Taliban ang Kabul nitong Agosto 16.

Base sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, tinatayang nasa 200 mga Pinoy pa ang nasa Afghanistan—karamihan ay nagtatrabaho bilang mga hotel manager, propesor, accountant, company managers, at inhinyero.

Tinatayang nasa 75 na mga Pinoy ang kasalukuyang naka-abang sa gagawing unang batch ng repatriation, ayon sa DFA.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8042, o ang “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995,” obligado ang DFA at DOLE na magsanib pwera upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga OFWs at iba pang Pinoy migrant workers sa panahon ng kagipitan—digmaan man o iba pang trahedya/kalamidad—sa bansang kanilang pinagtatrabahohan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?