16

Feb 11, 2021 @ 14:43
By

Pagpapaturok ni Sotto ‘live’ sa publiko

Isasapubliko ni Senate President Vicente Sotto III ang pagpapabakuna niya laban sa COVID-19 bilang suporta sa vaccination program ng pamahalaan.

Ito’y upang maipakita sa publiko na epektibo at ligtas ang COVID-19 vaccine na nabili ng gobyerno at hindi na mag-alinlangan pa sa pagpapabakuna laban sa naturang virus.

Ayon kay Sotto, mas mainam aniya na maunang magpaturok ang mga lider ng bansa para maengganyo din ang mga itong sumali sa vaccination program laban sa coronavirus.

“Lead by example. Iyan ang gusto kong gawin. Kung makikita ng ating mga kababayan na handa ang kanilang mga lider na magpabakuna sa kabila ng malawakang pagdududa kung ang mga bakuna ba ay epektibo o hindi, malamang ay ma-engganyo ang nakararami na makilahok sa vaccination program ng Malakanyang,” sabi ng Senate President.

“Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng alinlangan ang ating mga kababayan kung epektibo nga ba ang mga binibiling bakuna ng Department of Health. Marami pa rin ang nagdadalawang-isip kung sila ba ay magpapabakuna o hindi,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?