29

By

Pagpapatupad ng Universal Health Care mahihirapan sa 2019 – DOH Sec. Duque

Sharing is caring!

Aminado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na magiging mahirap ang unang taon ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tiyak na umanong maisasabatas sa Disyembre.

Sa pagdinig ng Senate committee on health ukol sa badyet ng kaniyang ahensya, sinabi ni Duque na handa ang DOH na ipatupad ang programa pero tiyak na magiging isyu ang pagkukunan ng P257 bilyon na kailangan para rito sa 2019.

Magiging isyu rin umano ang mga residente sa mga liblib at malalayong lugar na wala pang health facilities.

“Yes, sir, we are ready to implement it but this is a low budget bullet, this is not a panacea. It is something that we cannot and we must not promise the moon and the stars,” sabi ni Duque sa pagtatanong ng mga senador.

“The first year of implementation will show some kinks but as they say we have to learn from the lessons the gaps will present when the first year of implementation is made,” dagdag pa ni Dique.

Sa bukod na panayam, sinabi ni Senate President Tito Sotto na may nakalaan nang badyet para sa UHC kahit hindi pa isabatas ang panukalang taasan ang buwis sa mga tobacco product.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?