122
bam-aquino
Jun 26, 2018 @ 12:46
By

Pagpapatuloy ng anti-tambay ops kinuwestiyon ni Aquino

Tinuligsa ni Senador Bam Aquino ang patuloy na pagdakip ng pulisya sa mga tambay.

Diin ng senador, walang legal na basehan ang panghuhuli sa mga ito kaya dapat ay itinitigil na ito.

Ang mahihirap din aniya ang agrabyado rito at mayroon nang namatay.

Tinutukoy nito si Genesis Argoncillo alyas Tisoy na namatay habang nasa kudtodiya ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang pahayag ni Aquino ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya na huwag pansinin ang mga kritiko at ipagpatuloy ang panghuhuli.

Pinuna ni Aquino na pabago-bago ang pahayag ng Pangulo dahil una nitong iniutos na dakpin ang mga tambay pero binawi kamakailan at sinsbing hindi krimen ang pagtambay.

Ayon kay Aquino, lalo nang mas dapat magsagawa ang Senado ng pagdinig upang maipalinaw ang patakaran at direksyon dito ng Philippine National Police.

“Sa pabagu-bagong polisiya ng administrasyon sa mga tambay, lalong kailangan imbestigahan ito ng Senado para maklaro ito,” pahayag ni Aquino.

Naghain na si Aquino ng panukalang Resolution 772 para dinggin ng Senado ang anti-tambay campaign.

“There is a need to assess whether the PNP’s anti-tambay campaign, as well as the local ordinances on which they are supposedly based, are consistent with national laws and the Constitution,” ayon sa senador. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?