22
west-cove
By

Pagpapatigil sa demolisyon ng West Cove sa Bora, pinabulaanan ng DILG

Sharing is caring!

Itinanggi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang balitang ipinahinto ng Malakanyang ang paggiba sa West Cove Resort sa Boracay.

Paglilinaw ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, wala silang natatanggap na sulat na nagsasaad sa pagsuspinde sa demolisyon ng West Cove.

Sa katunayan, nagpapatuloy aniya ang paggiba sa naturang resort at may utos si DILG Secretary Eduardo Año na bilisan ito.

Una nang sinabi ng may-ari ng West Cove Resort na si Crisostomo Aquino na nakatanggap siya ng kopya ng kautusan mula sa Malakanyang na nagsusupinde sa demolisyon.

Nagmula umano ang naturang sulat sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Matatandaang kinansela ng Department of Environment and Natural Resources ang permit ng West Cove na gamitin ang forest land sa turismo dahil sa sinasabing mga paglabag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?